Pinas pa din ang malakas! Ang mga members ng Filipino team na Fnatic ONIC ay nagkamit ng championship title sa recently concluded M6. Isa itong Mobile Legends: Bang Bang tournament wherein lahat ng players sa buong mundo ay nagharap harap upang malaman sino ang magigigng kampyeon. Digital Playground, as the best online news source for esports, got it covered! Alamin kung anong skin at magkano ang naiuwi ng champion team na Fnactic ONIC PH!
It was held at Axiata Arena in Kuala Lumpur, Malaysia. PH team was able to bag the championship title with a 4-1 score. Leaving Team Liquid from Indonesia as the second placer. For years now, ang Pilipinas ang nakakuha ng championship title when it comes to MLBB M World Series. Nag-uwi ng 320,00 USD ang Fnatic ONIC, at tinanghal na Finals MVP si “gold standard” gold laner, Duane “Kelra” Pillas. Nag-uwi si Kelra ng additional 5,000 USD.
Place | Prize (USD) | Participant |
---|---|---|
1st | $320,000 | Fnatic ONIC PH |
2nd | $150,000 | Team Liquid ID |
3rd | $90,000 | Selangor Red Giants |
4th | $60,000 | Team Spirit |
5th-6th | $50,000 | RRQ Hoshi, Falcon Esports |
7th-8th | $40,000 | NIP Flash, Team Vamos |
9th-11th | $20,000 | BloodThirstyKings, CFU Gaming, Twisted Minds |
12th-14th | $16,000 | Aurora Gaming, KeepBest Gaming, S2G Esports |
15th-16th | $12,000 | Maycam Evolve, ULFHEDNAR |
17th | $9,000 | Insilio |
18th-19th | $9,000 | DFYG, RRQ Akira |
20th-21st | $9,000 | Geekay Esports, Legion Esports |
22nd-23rd | $9,000 | Niightmare Esports, The MongolZ |
M6 Skin Choices: Luo Yi, Beatrix, o si Joy?
Usap usapan ngayon sa ML world ang pagpili ng Fnatic ONIC PH sa susunod na hero na magkakaron ng next exclusive skin. Matataandaan na nung nag-champion sa M series ang Blacklist International, ang Estes ang kanilang napiling ML hero para sa exclusive skin.
Ang isa sa kanilang choice ay si Beatrix na heron ni Kelra, na siya namang Finals MVP. Isa din sa choices si Luo Yi na hero ni Frince “Super Frince” Ramirez. At si Joy na hero ng jungler na si Cyyric “K1NGKONG” Perez. According kay Coach Tony “Ynot” Senedrinm wala pang pinal na desisyon tungkol dito at kailangan muna nilang makipag-usap sa Moontoon about this commemorative skin.
M-Series Dominance
Sa ika-limang sunod na taon, ang Philippine team ang nag champion sa Mobile Legends M series. Ang M2 title ay nakuha ng Bren at ang skin na kanilang napili ay si Lancelot. Para naman sa M3, nakuha ito ng Blacklist International at Estes ang kanilang napili. Meanwhile, ang champion ng M4 na Echo ay pinili ang hero na so Chou. Sa M5 naman, Paquito ang napili ng AP Bren.
Get the latest news with Digital Playground! We provide the best and the latest esports news, tech updates, and game reviews! Kami ang top choice ng mga Pinoy readers when it comes to gaming news!
- Fnactic ONIC wins M6: skin choices revealed - December 23, 2024
- Upcoming Laptops in 2025 - December 16, 2024
- Biggest Game Releases in 2025 - December 4, 2024